Kuwaresma – The FEAST Rizal

Ano ang Kuwaresma para sa kaalaman ng nakararaming Katoliko at Kristiyano? Ito ay panahon ng Pabasa, Pasyon, Senakulo, Penitensya, Palaspas, Semana Santa, Salubong at marami pang pagdiriwang na nauukol sa Kuwaresma. Para sa kaalaman ng lahat, ang mga nabanggit ko sa itaas ay pawang pagdiriwang na materyal, panlabas at hindi lubos na tumutukoy sa tunay na kahulugan at kahalagahan ng Kuwaresma sa ating mga Kristiyano.

Palm Sunday

Ang Kuwaresma ay panahon upang gunitain ang mga naging paghihirap ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa krus para sa kaligtasan at kapatawaran ng lahat ng tao. Ito ang rurok ng tagumpay ng lahat ng plano ng Diyos na nasasaad sa Bibliya, simula pa ng lalangin Niya ang mundo, nang magkasala ang ating mga ninunong sina Adan at Eba, hanggang sa pagdating ng mga propetang naghanda ng daan para sa pagdating ng ating Manunubos na si Jesus. Ang kamatayan ni Cristo sa krus at ang Kanyang muling pagkabuhay, ang siyang naging daan upang magkaroon tayo ng pagkakataon na makapiling ang ating Diyos Ama sa langit. Sapagkat sinabi ni Jesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.” (Juan 14:6).

Sa pagdiriwang natin ngayong taong ito ng Kuwaresma, alalahanin natin ito nang may galak sa puso, sapagkat napagtagumpayan ni Jesus ang lahat ng plano ng Diyos higit 2000 taon na ang nakalilipas. Gunitain natin ito nang may pagpapayabong pa ng ating pamumuhay na naaayon sa kalooban ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Gunitain natin ito, nang may pagsisikap na maging tunay na Kristiyano, sa isip, sa salita at sa gawa.

“Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-uutos ko sa inyo. Tandaan ninyo: ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.” (Mateo 28:19-20)

Feel so blessed at The Feast? Share the blessings by sharing how God is blessing your life. Send us your reflections or stories at editor@feastrizal.com. Chosen sharing will be featured in our Feast Bulletin and here at FeastRizal.com.

Share this post and bless others, too!

Comments

comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.